Sana
Posted: September 23, 2015 Filed under: Tagalog | Tags: bitter, emotions, memories, remembrance, resentment Leave a commentPagmulat ng mata,nakita kong wala ka na
Pinagsamahan nati’y naglahong parang bula
Nabubuhay lamang pala ako sa akala
Ako pa ang nagmukhang masama.
Sana nga maibabalik pa ang mga oras
Mga pangako mong ngayon na ay gasgas
Masisisi mo ba kung pusong ito’y wasak
Na makailang beses mong sinaksak?
Mapait, iyan ang lasa mo sa aking dila
Parang parya, ibabad mo pa sa suka
Isinusuka ko ang nakaraang nagdaan
Sana ngayon wala tayong pinagsamahan.