Sana

Pop-art-balloons2-300x200

Pagmulat ng mata,nakita kong wala ka na

Pinagsamahan nati’y naglahong parang bula

Nabubuhay lamang pala ako sa akala

Ako pa ang nagmukhang masama.

Sana nga maibabalik pa ang mga oras

Mga pangako mong ngayon na ay gasgas

Masisisi mo ba kung pusong ito’y wasak

Na makailang beses mong sinaksak?

Mapait, iyan ang lasa mo sa aking dila

Parang parya, ibabad mo pa sa suka

Isinusuka ko ang nakaraang nagdaan

Sana ngayon wala tayong pinagsamahan.