Sana

Pop-art-balloons2-300x200

Pagmulat ng mata,nakita kong wala ka na

Pinagsamahan nati’y naglahong parang bula

Nabubuhay lamang pala ako sa akala

Ako pa ang nagmukhang masama.

Sana nga maibabalik pa ang mga oras

Mga pangako mong ngayon na ay gasgas

Masisisi mo ba kung pusong ito’y wasak

Na makailang beses mong sinaksak?

Mapait, iyan ang lasa mo sa aking dila

Parang parya, ibabad mo pa sa suka

Isinusuka ko ang nakaraang nagdaan

Sana ngayon wala tayong pinagsamahan.


Stalker

shadow

Mga mata’y nakapikit

Ninamnam ang sakit

Habang ikinakabit

ang kutsilyong ginamit.

Kay tamis pa ng iyong ngiti

At wala man lang bakas ng pagsisisi

Habang nakahawak ang iyong kamay

Sa kanya ng walang humpay.

Palihim kang tinatanaw

Kahit ako’y walang ilaw

Mula nang ikay makita

At lubusang nakilala.

Litrato mo’y laging nakakabit

Kita ko lagi ang ganda mo’t bait

Kaibigan pa nga turing mo sa akin

Di man lang nakita ang aking damdamin.

Kaya nang makita kang masaya

Ako’y nagselos nang sobra

Dapat ikaw ay maging akin

Ako lamang dapat susunndin.

Hindi ka sana naging biktima

Ng pagmamahal kong sobra sobra.